BALITANG NBA Ni VT ROMANO
INISKOR ni Luka Doncic ang 10 ng kanyang game-high 25 points sa fourth quarter nang tibagin ng Mavericks ang San Antonio Spurs, 104-99, Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila) sa Dallas.
Kumapit ang Mavericks mula sa alley-hoop pass ni Doncic kay Dwight Powell tungo sa 86-84 lead, 8:33 sa laro. Pinalobo ito ng Mavs sa 11-point gap nang humirit si Doncic ng step-back 3-pointer makalipas ang 3 1/2 minutes.
Nagdagdag si Jalen Brunson ng 19 points sa Mavericks, habang si Dorian Finney-Smith ay may 14 points at 12 points mula kay Maxi Kleber. Lahat sila ay mayroong tigatlong 3-pointers, kapareho ni Doncic. May 10 rebounds at six blocked shots din si Kleber.
Sina Dejounte Murray at Jakob Poeltl ay may double-double performance para naman sa Spurs. 23 points at 10 rebounds kay Murray at 14 points at 13 rebounds kay Poeltl.
Habang si Bryn Forbes ay may kontribusyong 15 points buhat sa limang 3s. Ang starter na si Lonnie Walkers IV, humalili kay injured Doug McDermott, ay nag-ambag ng 14 points.
Agad umabante ang San Antonio, 25-5 sa simula ng laro, kung saan zero ang field goal ng Mavs hanggang makaiskor si Doncic sa 6:33 ng first quarter para sa 18-3 count.
Matapos ang mainit na pag-iskor ng Spurs, nagpasabog ang Dallas ng 31-4 bomba at kunin ang abante, 36-29.
Isinara ng Spurs ang first half mula sa 20-11 spurt, at agawin ang 49-47 lead sa halftime, nang bumato si Forbes ng ikaapat niyang 3-pointer sa buzzer.
Si McDermott ay naupo lang sa laro sanhi ng swollen right knee, pero inaasahan ni Spurs coach Gregg Popovich na makakabalik ang player matapos ang road trip ng team.
”I expect him back after this trip,” ani coach Popovich, na umaasam na makakalaro si McDermott sa home game laban sa Dallas sa Nov 3.
Hindi rin nakalaro si Kristaps Porzingis bunga naman ng lower back tightness.
”We’ll evaluate him tomorrow,” ani coach Dallas Jason Kidd.
Maging si Trey Burke ay hindi lumaro at may binasang notes si Kidd
hinggil dito: ”Trey’s not sick. There’s a certain amount of protocols that have to take place within a certain time. It didn’t happen. He will travel with the team and be available.”
Kalaban ng Spurs ang Milwaukee sa Sabado sa ikalawang laro ng three-game trip.
Habang back-to-back game naman sa Biyernes ang Mavs kontra Denver bago umuwi sa Dallas.
197 