2 PATAY SA SUNOG SA VALENZUELA

PATAY ang dalawa katao kabilang ang isang 9-anyos na batang lalaki nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Valenzuela City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Addy Marahay, 23, at pamangkin niyang si Jairus Alvarez, 9, kapwa ng Little Tagaytay Serrano, Barangay Marulas ng nasabing lungsod.

Batay sa nakalap na impormasyon sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-7:00 ng gabi nang bigla na lamang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ng mga biktima ngunit hindi nakalabas ang mga ito.

Umabot sa unang alarma ang sunog na tuluyang naapula ng mga bumbero dakong alas-7:41 ng gabi. Dalawang bahay ang nadamay sa nasabing insidente.

Tinatayang nasa P90,000 halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy habang inaalam pa ng mga tauhan ng BFP ang pinagmulan ng sunog. (FRANCIS SORIANO)

138

Related posts

Leave a Comment