CURFEW HOURS SA NCR MAAARI NANG ALISIN

PLANO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na alisin o i-adjust ang curfew hours sa National Capital Region (NCR).

Sa katunayan, hiniling na ng MMDA sa mall owners na magbukas ng mas mahabang oras.

Sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos, hihingi muna siya ng permiso sa NCR mayors na alisin o bawasan ang curfew hours.

“Hihingi ako sa mayors (ng permission), dahil nga inaayos nga namin ito, na yung curfew baka mawala na yan o adjust na natin yan,” ayon kay Abalos.

Nais din ni Abalos na i-adjust ang curfew hours matapos hilingin sa mga mall operator sa isinagawang pulong na “i-spread out” ang kanilang closing hours o pahabain hanggang 12 midnight para paluwagin ang trapiko at makatulong sa ekonomiya.

Maliban dito, ipinanukala rin niya na i-schedule ang sales tuwing weekends at holidays, at hindi tuwing weekdays.

Nitong Biyernes, inanunsyo ng Malakanyang na ang NCR at 10 pang lugar ay isinailalim sa Alert Level 3 mula Nobyembre 1 hanggang 14.

May ilang establisimyento ang pinayagan na mag-operate ng 30% indoor venue capacity para lamang sa fully vaccinated individuals at 50% outdoor venue capacity, kailangan lamang na ang lahat ng mga empleyado ay fully vaccinated. (CHRISTIAN DALE)

279

Related posts

Leave a Comment