HIGIT 9K BIYAHERO DUMAGSA SA MGA PANTALAN

pasahero

MAHIGIT 9,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Undas.

Sa datos ng PCG, nasa 5,607 ang bilang ng outbound passengers habang 4,151 ang inbound mula alas-6:00 ng umaga noong Linggo.

Kaugnay nito, nasa 94 vessels at 119 motorbanca ang ininspeksyon ng PCG sa 15 distrito nito sa buong bansa.

Nananatili ring nasa heightened alert ang lahat ng districts, stations, at substations ng PCG mula pa noong October 29 at tatagal hanggang November 4, ngayong taon para makontrol ang

pagdagsa ng mga pasahero na uuwi ng probinsya para bumisita sa kanilang kamag-anak.

Nagsimulang dumagsa ang mga pasahero sa mga pantalan, umaga pa lang ng Biyernes.

Upang mabantayan ang pagpapatupad ng minimum health protocols, nasa 1,629 tauhan ang ikinalat ng PCG sa mga pier.

Nagpapatrolya rin ito sa lahat ng pangunahing tourist destinations habang patuloy na nagpapaalala sa mga lokal na turista na sumunod sa health protocols at maging mapagmatyag.(RENE CRISOSTOMO)

167

Related posts

Leave a Comment