NAKATANGGAP po ang kolum na ito ng reklamo mula sa ilang kabayaning OFW sa Qatar na gustong ipaaresto at pakasuhan sa gobyerno ang isa nating kababayan na ang raket ay human trafficking na labag sa batas.
Narito po ang kanyang buong salaysay laban sa modus operandi ni Marivic Breviescas na nambibiktima ng mga kababayan natin na gustong magtrabaho sa Qatar.
“Nag-chat po sa akin ang pinsan ni Marivic Breviescas na si Michelle Breviescas sinabi niya po sa akin na pumunta rito sa Qatar dahil ang pinsan niya may bagong cleaning company.
Inaya rin ako ng isa kong friend na sumama sa kanya para dalawa kami magkasama. So, pinag-tourist kami papuntang Thailand, pero ako lang po ang tumuloy dahil ayaw na ng friend ko magpunta nagbago isip nya. Dumaan ako sa immigration na pormal lang po na pumila.
Hindi ko po alam na iligal pala ang pinagawa ni Marivic Breviescas sa akin. Pagdating ko po sa Thailand doon na niya ako pinadalhan ng visa and ticket papunta rito sa Doha, Qatar.
Nag-stay po ako sa hotel sa Thailand para hintayin ang ticket at visa. Pagdating ko po rito sa Doha, Qatar pinabayaran niya sa akin ang ticket at visa ko.
Ni-renew po niya Qatar ID ko tapos sabay sabi pagkabigay sa akin, umuwi ka na ‘wag muna tapusin ang isang taon mo o mag-apply ka sa iba. Ayaw naman niya ako bigyan NOC, hindi raw magbibigay ang sponsor na Qatari.
Kung saan daw niya ako kinuha pauwiin niya ako. 2 yrs. and 4months na ako sa kanya nagwo-work. Siya naman nagsabi na kung gusto ko mag-apply sa iba mag-apply tapos ‘di magbibigay ng NOC. Hindi ako sinahuran, nagre-recruit po
siya ng mga katulong, pinapatakas niya para mag-work sa kanya. ‘Di rin sinahuran at pinalayas niya, ‘yung iba kusa na lang lumalayas. May mga hawak pa siya ngayon na mga run- away no QID. Humihingi po ako ng tulong na mai-deport itong si Marivic Breviescas na siya po kumuha sa akin papunta rito sa Doha, Qatar at ito naman si Marlyn, secretary ng Alobaid, siya po ang taga-process ng mga documents paper tulad ng pag-process ng visa, ID at kung ano-ano pa. Alam ni Marlyn na may mga hawak si Marivic na mga babae na runaway. At yung mga pinapatakas ni Marivic na mga katulong ay sinundo niya para sa kanya tumira at magtrabaho”.
Abangan po ang aksyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking na pinamumunuan ni Justice Sec. Meynardo Guevarra sa kasong ito na kinasasangkutan ni Marivic Breviescas.
Isumbong ang mga illegal recruiters at human traffickers sa IACAT sa tel. 85238481 o sa opisina ni Sec. Guevarra sa telepono bilang 521-1908, 526-5462 telefax No. 523-9548.
Para sa panig ni Marivic, bukas ang kolum na ito upang mabigyan mo ng linaw ang mga akusasyon ng ating mga bagong bayani.
Ipagbigay-alam lamang ang inyong reklamo o hinaing sa ating FB messenger or sa email address na dzrh21@gmail.com para mabilis itong maaksyunan ng mga ahensya ng Duterte government.
