MANDATORY VAX SA WORKERS, TIANGGE OWNERS

NAGKAISA ang mga National Capital Region (NCR) mayor na sapilitang bakunahan ang mga manggagawa at may-ari ng tiangge.

Ang katuwiran ng mga ito, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ang mga tao sa tiangge ay nagmula sa iba’t ibang lugar at mayroon lamang seasonal visitors.

Nangangahulugan lamang aniya ito na malaking hamon ang contact tracing.

“Ang napagkasunduan is that ‘yung mga tiangge na magpa-pop out dito, gagawing mandatory na ‘yung mga tatao rito o may-ari ay mabakunahan,” ayon kay Abalos.
Nauna rito, hindi pabor ang ilang senador sa planong gawing mandatory ang COVID-19 vaccination sa pag-asang mas mapabibilis nito ang kampanya sa pagbabakuna sa buong bansa. (CHRISTIAN DALE)

180

Related posts

Leave a Comment