MAY obligasyon ang mga magulang na gamitin nito ang tamang pagpapasya para sa kanilang mga anak sa gitna ng desisyon ng pamahalaan na pwede nang makapag-mall ang mga bata.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi naman kayang protektahan ng estado o gobyerno sa lahat ng pagkakataon ang bawat isa lalo na ang mga bata.
Nandiyan aniya ang mga magulang na siyang may karapatang gamitin ang kanilang legal obligation at parental authority upang maibigay ang proteksyon sa kanilang mga anak.
“Well, kagaya ng sabi ko po ‘no, nandiyan po ang mga magulang, hindi naman po talaga estado ang nagpoprotekta on a daily basis,” ayon kay Sec. Roque.
“Kinakailangan po iyong mga magulang to exercise their legal obligation, to exercise their parental authority,” dagdag na pahayag nito.
Ang pagpapahintulot sa mga batang makapasok na sa mall ay bunsod na rin umano ng pagiging least vulnerable ng mga ito sa virus.
Bukod sa pagpasok sa mall, aprubado na rin ang mga bata sa intrazonal at interzonal movement. (CHRISTIAN DALE)
278 