ANG sabong ay hindi na bago sa ating mga pandinig. Kumbaga, kahit saang lugar yata sa bansa o mundo ay may mga nagsasabong.
Ang tawag naman sa ganitong libangan sa mga liblib na lugar ay tupada dahil wala sila sa mga cockpit arena.
Panahon pa ng ating mga kalolo-lolohan ay nandiyan na ang sabong.
Ibig sabihin, libong taon na ang nakalilipas ay nasa Pilipinas na ito.
Talagang nagdudulot ng kasiyahan sa lahat ng uri ng tao ang sabong mula sa hari ng isang bansa hanggang sa isang nilalang na taga-baryo lamang.
Bilyong piso ang ginagastos ng mga sabungero o ng mga gamefowl breeders upang maitaguyod ang kani-kanilang mga palahian.
Hindi biro ang ginagastos nila mapanatili lamang malusog ang mga panabong na manok.
Aba’y milyun-milyong Pilipino ang nakikinabang dito at ito po ay nagbibigay ng marangal na kabuhayan sa nakararaming mamamayan.
Kabilang sa mga nagbebenepisyo rito ay ang mga nagtatrabaho sa sabungan, mga taga-pusta, manggagamot, mananari at iba pa.
Sila ay nagsisilbi sa mahigit isang libong sabungan sa ating bansa.
Sa iba’t ibang rehiyon o kahit saang lugar ka tumingin, namumutiktik ang sabong. Nawala o humina lamang ito nang magkaroon ng pandemya.
Kaya magandang binuhay ito sa pamamagitan ng online o e-sabong kung saan tumataya at nakakapanood din nang live ang aficionados sa mga pinupustahan nilang manok.
Sabi ko nga noong unang labas ng aking kolum, halos lahat yata ng bansa sa mundo ay may mga nagsasabong.
Kakaunti lamang ang ayaw ng mga ganitong libangan.
Sa Pilipinas lamang ay talagang mamamangha ka sa dami ng nabibiyayaan ng isport na ito.
Kaya nagtataka ako kung bakit pinag-iinitan ang e-sabong ni dating Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at iba pang mga kongresista.
210 