Miron bawal pa rin CONTACT SPORTS PWEDE NA SA VALENZUELA

PINAYAGAN na ng pamahalaang lungsod ang basketball, volleyball, at iba pang contact sports sa Valenzuela City simula Nobyembre 18 ngunit kailangang i-book ng mga residenteng 12-anyos pataas ang kanilang mga laro sa tanggapan ng kani-kanilang barangay.

Lahat ng mga kalahok na kinabibilangan ng mga manlalaro, organizers at mga opisyal ng laro gaya ng referee ay dapat na kumpletong bakunado at magpasa ng kahilingan, kasama ng listahan ng kanilang mga pangalan at vaccination cards. Ang organizers ay dapat ding kumuha ng “Activity Pass” sa barangay.

Ang mga laro ay dapat idaos sa mga covered at open courts na kayang mag-accommodate ng 50% ng capacity para sa indoor games at 70% naman para sa outdoors.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga kahilingang maglaro ay aaprubahan sa mismong araw kung ang mga kasali ay makapagpapasa ng kumpletong requirements at kung bakante ang time slot na gusto nilang maglaro.

Dagdag pa ng City Hall, pwedeng magtanggal ng face mask ang mga manlalaro kapag nasa court, ngunit dapat na isuot itong muli matapos ang laro.

Bukod dito, susundin pa rin ang health and safety protocols ngunit hindi papayagan ang bystanders o mga manonood. (ALAIN AJERO)

358

Related posts

Leave a Comment