ANG katagang ito na binitawan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (BBM) ang nagbibigay ng pag-asa sa mga Pinoy na uunlad ang bansa sa mga susunod na taon sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ito rin ang nagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino saang sulok man sa mundo sila naroon, na may bukas pa ang Inang Bayan.
Base po sa nasasaksihan ng PUNA sa araw-araw na lumilipas ay lalo pang lumalakas at patuloy ang pagdami ng mga umiiyak sa tuwing naririnig ng mga Pilipino ang awiting “Bagong Lipunan”.
Dahil sa kantang ito ay nanunumbalik sa isipan ng mga Pilipino ang ating pagiging matulungin sa ating kapwa at nakilala tayo sa tinatawag na “Bayanihan”.
Maraming naniniwala sa atin na ito ang muling paggising natin para sa pagbabalik ng ating magagandang kaugalian, pagiging maunawain at matulungin sa kapwa na minana pa natin sa ating mga ninuno.
Ang pag-asang ito ng mga Pilipino ay nakita sa katauhan ni BBM para pangunahan ang tunay na pagbabago para sa muling pagkakaisa natin.
Bagama’t kaliwa’t kanan ang paninira kay BBM ay nananatili siya sa kanyang paninindigan para sa unifying leadership o pagkakaisa nating lahat.
Naniniwala si BBM na ang hindi sumasang-ayon ngayon sa kanya ay darating ang panahon na sasama sila kapag nakita na nila ang unti-unti nating pagbangon at pagbabalik ng dating magandang kaugalian ng mga Pilipino.
Marahil, si BBM na nga ang itinadhana na maging Pangulo ng Pilipinas dahil sa kanyang magandang layunin para sa pagkakaisa ng lahat ng Pinoy.
Kalaban ka man niya sa pulitika o hindi ay nananawagan siya sa pagkakaisa para labanan ang kahirapan na dulot ng COVID-19.
Mula sa Oxford University issue, emergency alert sabotage, Martial Law na ipinupukol sa kanya, kanselasyon ng Certificate of Candidacy (COC), at ngayon naman ay ang usapin ng pagtakbo ni Sen. Bong Go, bilang presidente.
Lahat ng mga ito ay hindi nakakaapekto sa pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa halip ay nananatili siyang kalmado at patuloy ang kanyang panawagan ng pagkakaisa.
Kahit na lantarang hindi siya suportado ni Pangulong Duterte ay nananatili siyang nagsasabi na itutuloy niya ang mga nasimulang proyekto ng presidente.
May mga lumabas pang isyu na kaya pinatakbong presidente si Sen. Bong Go ay pinaghahandaan ang isinampang kanselasyon ng COC ni BBM para matuloy ang Go-Sara tandem.
Sa kabila ng mga espekulasyon ito ay naniniwala ang kampo ni BBM na matibay ang BBM-Sara Tandem.
Batay sa personal na opinyon ng PUNA, ang BBM-Sara ang pinakamalakas sa lahat ng presidentiables tandem.
Sa pag-aanalisa ng PUNA, sa administrasyon ni BBM magsisimula ang Pilipinas patungo sa “political maturity”.
Dito rin magsisimula na unti-unti nang mawawala ang sobrang gastos sa pagpasok sa pulitika.
Kaya sa mga susunod na eleksyon ay mabibigyan na rin ng pag-asa ang mga magagaling na mga Pilipino na sila’y mahalal na wala silang ginagastos na malaking pera para sa kanilang kandidatura.
Marahil sa administrasyon na rin ni BBM matutuloy ang federalism ng Pilipinas.
Lahat ng mga inasam-asam natin ay matutuloy lamang sa pamamagitan ng ating pagkakaisa.
“TARA NA! SAMA-SAMA TAYO SA PAGBANGON”. God Bless Us.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
215 