QUEZON – Dalawang hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang napatay sa bakbakan sa mga tropa ng pamahalaan sa bayan ng Sampaloc sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.
Ayon sa report ng Sampaloc Police, nangyari ang engkwentro sa Barangay Taquico dakong alas-5:50 ng hapon sa pagitan ng mga tauhan ng 59th IB, 2ID ng Philippine Army at limang miyembro NPA na kasapi sa Platun Laguna-Quezon command.
Tumagal ng halos ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde patungo sa mabundok na bahagi ng Barangay Ibabang Owain.
Naiwan sa lugar ng engkwentro ang hindi pa nakikilalang bangkay ng dalawang rebelde.
Wala namang nasugatan sa panig ng pamahalaan. (NILOU DEL CARMEN)
172 