ILANG SOLONS NA AYAW SA E-SABONG, ANTI-POOR

ITINUTURING na “pambansang palaro” o palabas ang sabong sa Pilipinas.

Pero may mga ayon sa batas at mayroon din namang illegal. Ang ilan ay kinasasangkutan ng mga pustahan at pagsusugal.

Dahil pinuputol o pinupulpol ang mga likas na tahid ng mga tandang na panabong, kinakabitan ng mga metal na tahid na may mga talim ang mga paa ng manok na ilalaban.

Kung hindi ako nagkakamali, ginagamit lamang ang guwantes na panabong para sa pagsasanay ng mga tandang.

Aba’y may dalawang uri ng mga talim na ginagamit sa pagsasabong, ito ‘yung may isahang talim at ‘yung may dalawahang talim.

Dito’y ikinakabit ang mga talim sa kaliwang binti ng manok, subalit sang-ayon din ito sa kasunduan ng mga may-ari ng mga manok.

Maaari ding ilagay ang mga talim sa kanang binti o maging sa dalawang binti ng paa ng mga manok.

Ang tawag naman sa illegal na sabong ay tupada.

Parehong may tagapamagitan ang mga ito, ang tinatawag na sentensyador, na may pagpapasyang hindi mababali o hindi mababago ninuman.

Tinatawag din na magsa-sabong o sabungero ang taong mahilig sa sabong.

Nang magkaroon ng pandemya, nauuso naman ang e-sabong o online sabong dahil ipinagbabawal nga noon ang kumpulan ng mga tao.

Kasabay nang pagkakasilang ng e-sabong, dumarami ang mga natutulungan at nagkaroon ng oportunidad sa trabaho.

Nagtataka naman ang marami kung bakit kumokontra si House Deputy Speaker at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva sa e-sabong.

Nanawagan nga ito sa publiko na huwag iboto ang mga kandidato na sumusuporta sa e-sabong at iba pang online gambling.

Sa kanyang privilege speech, aba’y binigyang-diin ni Villanueva ang negatibong epekto raw ng sugal sa lipunan.

Ang online gambling daw ay isa sa mga isyu na tinututukan ng CIBAC at ng koalisyon ng mga Kristiyanong Simbahan sa bansa sa pagpili ng kanilang susuportahang kandidato.

Marahil ay hindi rin nakikita ni Villanueva ang magandang idinudulot sa ekonomiya ng online sabong.

Ang ilang grupo rin dito at foundations ay tumutulong sa mga mahihirap.

Namamahagi ang Pitmaster Foundation, Inc. ng mga libreng ambulansya sa mga liblib na lugar upang makatulong sa COVID-19 response ng gobyerno.

Ang pinaka-magandang gawin ni Villanueva ay isulong ang pag-regulate rito.

Isa rin ang e-sabong sa mga nakakapaghatid ng pondo sa bayan sa pamamagitan ng binabayaran nitong buwis.

Abangan!

121

Related posts

Leave a Comment