TERORISTANG BOMB EXPERT SUMURENDER

MAKARAAN ang sunud-sunod na operasyon ng militar kontra terorismo, mas pinili na lamang ng isang bomb expert ng grupong Daulah Islamiyah, na sumuko kaysa matulad sa mga kasamahang napatay sa sagupaan.

Kinumpirma ni Major General Juvymax Uy, tumatayong commander ng Joint Task Force Central at 56th Infantry Division, ang pagsuko ng hindi na pinangalanang miyembro ng grupong terorista sa bayan ng Carmen sa North Cotabato.

Ayon sa heneral, hindi pipitsuging terorista ang sumuko lalo pa’t klasipikadong high-value target ang nasabing indibidwal na aniya’y isang dalubhasa sa paggawa ng mga pampasabog na gamit sa paghahasik ng gulo sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Sa pagsuko ng naturang target, agad naman aniya itong ilalagak sa DIWATA HAVEN (Dapat Iwaksi at Wakasan ang Terorismo at Armadong Pakikibaka – Hadlangan ang Violent Extremism Program) sa North Cotabato para sa debriefing.

Kasabay ng kanyang kusang-loob na pagbabalik-loob sa pamahalaan, isinuko ng dating DI member ang mga armas at pampasabog na nasa kanyang pag-iingat. (JESSE KABEL)

196

Related posts

Leave a Comment