BI sa paalis na travelers: PUMUNTA SA AIRPORT NANG MAS MAAGA

HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa travelers na papaalis papuntang ibang bansa sa panahon ng holidays, na maging maaga sa pagpunta sa airport para sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.

Ayon sa pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, pinaalalahanan niya ang travelers na maging mas maaga na magtungo sa airport sa kanilang scheduled departure flights para matiyak na hindi sila mabitin sa kanilang oras sa pag-check sa kanilang airlines at para matiyak na rin ang social distancing sa immigration area.

Suhestiyon din ng local airlines na ang travelers ay magsimulang pumasok ng 3-4 oras bago ang kanilang scheduled flight.

Sinabi ni Morente, nitong nakaraang mga araw ay nananatiling mataas ang bilang ng international travelers na papaalis mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at airports sa Mactan, Cebu at Clark, Pampanga sa pagsisimula ng Christmas season.

“While there are significantly less travellers this year because of the pandemic, there could still be congestion for late passengers rushing during boarding time,” ani Morente. “We can help avoid congestion during boarding by checking in early,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin niya na dahil sa pandemic, kailangang ang airlines ay magsagawa ng karagdagang pag-checks para matiyak ang pagsunod sa travel restrictions ng iba’t ibang countries of destination.

Pinaalalahanan din ni Morente ang mga paalis na pasahero na masiguro na may hawak silang kumpletong travel requirements, pati na rin ang karagdagang travel requirements ng iba’t ibang bansa dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Idinagdag pa niya na ang BI officers ay kanya nang inutusan sa mas mahigpit na screening sa mga pasahero para hindi makalusot ang human traffickers at illegal recruiters na magsasamantala ngayong holiday rush sa kanilang mga biktima sa bansa.

“Our immigration officers are always on the lookout for suspected human trafficking and illegal recruitment victims,” ayon kay Morente. “Despite the holiday rush, we will ensure that our kababayan are protected from these predators, and we will turnover any victims to the Inter-Agency Council Against Trafficking for filing of cases against their recruiters,” babala niya. (JOEL O. AMONGO)

202

Related posts

Leave a Comment