AMINADO si Senadora Imee Marcos na nakababahala ang inihaing petisyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi na nanawagan sa Commission on Elections na muling buksan ang paghahain ng certificate of candidacy.
Sinabi ni Marcos na maaari itong magdulot ng pagkabalam ng halalan sa Mayo 2022.
“Yes there’s a real danger. It will derail May elections which President Rodrigo Duterte has time and again insisted will be held on time, in accordance with the constitution. Nabubuhay tuloy ang multo ng NO-EL,” pahayag ni Marcos.
Para naman kay Senadora Leila de Lima, ang paghahain ng petisyon ni Cusi ay pagpapakita ng paggiit nila ng kanilang exclusive privilege na maging exempted sa deadline ng paghahain ng kandidatura.
“There should be no exemptions from this deadline, not even for the party of the President,” pahayag ni de Lima.
Iginiit ni de Lima na kung hihintayin pa ng Comelec na madesisyunan ang lahat ng disqualification at accreditation cases, walang balotang maiimprenta hanggang sa araw ng halalan.
Kaya ang petisyon ni Cusi ay bumubuo lamang ng no election scenario hanggang hindi nila naisasaayos ang kanilang partido. (DANG SAMSON-GARCIA)
192 