SPECIAL TAX IPINATAW SA IMPORTED CEMENT

BILANG proteksyon sa mga lokal na industriya, nakatakdang patawan ng pamahalaan ng karagdagang buwis ang mga sementong inaangkat pa mula sa bansang Vietnam.

Sa isang kalatas, tiniyak ng Bureau of Customs (BoC) na hindi madedehado ang lokal na industriya ng semento sa bansa, kasunod ng pahayag kaugnay ng anila’y provisional anti-dumping duties na ipapataw sa loob ng apat na buwan para sa mga imported Portland cements.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), lubhang nakakaapekto sa mga negosyanteng Pinoy ang pagpasok ng Portland cement ng Vietnam na ‘di hamak na mas mura kumpara sa umiiral ng presyo ng mga produktong gawa sa bansa.

Sa Customs Memorandum Order 38-2021 ng BOC, ang mga 32% taripang sisingilin sa pormang cash bond na batay sa Department Administrative Order 21-07 ng DTI ay ipatutupad sa loob ng apat na buwan upang bigyang pagkakataon ang lokal na industriya para makipagsabayan sa mga murang imported Portland na semento sa merkado ngayong panahon ng tagtuyot kung kailangan higit na mataas ang demand sa mga kagamitan sa imprastraktura.

Una nang umaray ang mga local cement manufacturers sa kawalan ng benta, bagay na nagtulak sa kanilang hanay para maghain ng isang petisyong nagsusulong ng anti-dumping duties — $10.53 kada metriko tonelada para sa Type 1 cement, o ang katumbas na 31.87% ng presyo ng inangkat na semento. (BOY ANACTA)

426

Related posts

Leave a Comment