ANG mga residente ng Cebu ay nagsisimula pa lamang bumangon mula sa matinding pananalanta ng bagyong Odette sa probinsya isang linggo bago sumapit ang Kapaskuhan.
Habang patuloy ang pagsasaayos ng mga pasilidad ng kuryente, umani ng papuri at pasasalamat mula sa mga kooperatiba sa Cebu ang Manila Electric Company (Meralco) dahil sa tulong na agad naipahatid nito sa probinsya.
“We appreciate the sacrifices made by Meralco linemen and engineers who spent their holidays away from their families in solidarity with the crew of distribution utilities and electric cooperatives in our province,” pahayag ni Elias O. Baquero, Director of Cebu News Workers Multipurpose Cooperative.
“Even if we are outside its franchise area, Meralco was among the first to help Cebu. We have witnessed not only their dedication to provide electricity service but also their compassion for their fellow men who were severely affected by the typhoon,” dagdag ni Baquero na siya ring tumatayong direktor ng Cebu City Cooperative Development Council, isang opisina sa ilalim lokal na pamahalaan ng Cebu City.
Ang bagyong Odette na direktang tumama sa Visayas noong ika-16 ng Disyembre ay nagdulot ng matinding pinsala sa mga pasilidad ng kuryente sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon. Bilang resulta, maraming lugar ang nawalan ng serbisyo ng kuryente.
Agad nakipag-ugnayan ang Meralco sa mga kapwa nito power distributor sa Cebu at nagpadala ng mga kinatawang susuri ng pinsalang natamo ng mga pasilidad sa lugar.
Dumating ang nasabing grupo noong ika-19 ng Disyembre. Matapos ang assessment, agad nagpadala ang Meralco 54 na linemen at engineer upang tumulong sa pagsasaayos ng mga pasilidad at pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa lugar.
Nagpadala rin ang Meralco ng mga sasakyan, malalaki at mabibigat na makinarya, at mga genset na kakailanganin sa operasyon.
Ayon kay Baquero, napakalaking tulong ng ipinadalang grupo ng Meralco dahil ang mga empleyado ng lokal na power distributor sa lugar ay kasama rin sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.
“It has been a real challenge to restore power in all households and establishments in Cebu but we are very hopeful that through the continuing bayanihan of people who are working non-stop to restore electricity service, all homes will be energized soon,” dagdag ni Baquero.
Sa isang press conference noong ika-5 ng Enero, iniulat ng Department of Energy (DOE) na nasa 49% na ang maaaring magamit na kapasidad ng power generation sa Cebu, at kumpleto na ang pagsasaayos ng mga linya ng transmission sa lugar. Subalit nananatiling matinding hamon ang pagsasaayos ng mga napinsalang pasilidad ng mga distribution utility at electric cooperative sa probinsya.
Ayon sa Visayan Electric Co. (VECO), ang naghahatid ng serbisyo ng kuryente sa malaking bahagi ng Cebu, sisikapin nilang maibalik ang serbisyo sa kanilang mga customer sa katapusan ngayong Enero. Batay sa kanilang ulat noong ika-5 ng Enero, 37% ng kabuuang bilang na 474,182 customers ang mayroon nang kuryente.
Sa isa pang pahayag ay sinabi ng VECO na “restoration is taking longer in areas where Visayan Electric’s distribution facilities sustained heavy damage such as toppled poles, downed wires, and damaged transformers.”
“Our linemen from Visayan Electric, together with the engineers and crews from various distribution utilities from all over the country, have been working 24 hours a day and will continue to work through the holidays to clear lines and restore power at the soonest and safest time,” dagdag pa nito.
Base sa pinakahuling datos ng DOE, tuluyan nang naibalik ang serbisyo ng kuryente sa Camotes Island, ngunit ang estado ng pagbabalik ng kuryente sa ibang bahagi ng Cebu ay inaalam pa.
Sa kasalukuyan, 50% na ng prangkisa ng Mactan Electric Co. (MECO) ang mayroong serbisyo ng kuryente; 20.21% naman sa kinasasakupan ng Cebu Electric Cooperative (CEBECO) I; 95.91% sa CEBECO II, at 44.06% sa CEBECO III.
Ayon kay Undersecretary Felix William Fuentebella, ang VECO at MECO ay kasalukuyang tinutulungan ng Meralco at ng MORE Power, samantalang ang CEBECO I, II, at III naman ay tinutulungan ng iba pang kooperatiba sa pamamagitan ng National Electrification Administration.
