TINDAHAN IPINASARA SA PEKENG BIOGESIC

SA gitna ng pagsirit ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa pagpasok ng Bagong Taon, hindi pa rin maalis sa ilan nating mga kababayan ang pagiging mapanglamang, patunay nito ang isang tindahan sa Valenzuela City na nabulagang nagbebenta ng pekeng gamot sa lagnat noong Enero 7.

Bunsod nito, naglabas ng Stop Order ang City Business Inspection and Audit Team (CBIAT) laban sa isang tindahan sa Barangay Malinta.

Huli sa akto ang mga nasa likod ng nasabing tindahan na hindi na nakaporma matapos mahuling nagbebenta huwad na Biogesic tablets.

Kaugnay nito, nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa publiko na mag-ingat sa mga pekeng gamot.

Ayon pa sa City Hall, ang mga gamot ay dapat binibili lamang sa mga lehitimo at awtorisadong botika upang makasiguro na orihinal ang mga ito. (ALAIN AJERO)

239

Related posts

Leave a Comment