MATINDI ang pananalasa ng bagyong Odette sa ilang lugar sa bansa. Inihalintulad nga ito sa bagyong Yolanda.
Naku, para bang wala nang tigil ang pagbayo ng bagyo noong tumama ito sa Visayas at Mindanao.
Sinasabing sa Dinagat Islands, tila washing machine raw ang hangin na dala ni Odette.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi bababa sa 200 ang nasawi sa bagyo.
Matindi ang sinapit ng mga biktima. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila lubusang nakababangon.
Bagsak ang komunikasyon sa mga probinsyang dinaanan. Labis na napuruhan ang Dinagat Islands.
Ang daming nawasak na bahay at sirang-sira ang mga pananim.
Hinagupit din ng bagyo ang Bohol, Capiz, Camiguin, Misamis Oriental at Zamboanga del Sur.
Namahagi naman ng tulong sa evacuees ang AKO BISAYA PARTY-LIST.
Kung hindi ako nagkakamali, pagkain, tubig, gamot, damit at iba pang pangangailangan ang ipinamigay nila.
Ayon kay ENGR. SONNY LAGON, kinatawan ng AKO BISAYA, hindi nila matiis na makita ang kanilang mga kababayan na humihingi ng tulong.
Kaya naman umaksyon agad sila at nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan para maihatid ang kanilang ayuda.
Kahit marami aniyang mga pribadong kompanya at civic group ang nagpapadala ng tulong sa mga nasalanta ay hindi pa rin sapat ito.
Kailangan aniya ang pagkakaisa ng lahat para kaagad na makabawi ang mga biktima ng kalamidad.
Sabi niya, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para makapaghatid muli ng tulong sa mga naghihikahos nilang kababayan.
Mga saku-sakong bigas, mga kahon ng sardinas at noodles, inuming tubig at mga damit naman ang bumuhos para sa mga biktima mula sa iba pang donors.
Saludo po ang inyong lingkod sa adhikain ng AKO BISAYA PARTY-LIST.
Idolo rin natin itong si ENGR. LAGON dahil kilala itong kakampi ng mga sabungero at lahat ng mga nagtatrabaho sa industriya.
Mabuhay po kayo, Sir, at God bless!
