KARAGDAGANG PROTECTED AREAS SA PH ISUSULONG

NANGAKO si Sen. Cynthia A. Villar na isusulong sa Upper Chamber ang karagdagang legislations upang protektahan ang mas maraming forest lands at ma-secure ang mas maraming protected areas (PAs) sa bansa.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, pinangunahan ni Villar noong January 11, ang pagdinig sa bills para madeklarang protected area ang Tugbo Natural Biotic Area sa Masbate at ma-reclassify na agricultural land ang bahagi ng Mangabul Forest Reserve sa Bayambang, Pangasinan.

“The Tugbo Natural Biotic Area, under consideration today, is the seventh (7th) protected area we hope to pass within this 18th Congress,” ani Villar sa pagdinig.

Matatagpuan sa Masbate City at ng Mobo sa Masbate, sinabi niyang ang Tugbo Natural Biotic Area ang pangunahing kukunan ng tubig sa mga naturang LGUs. Tirahan din ito ng mga endemic flora at fauna, kabilang ang vulnerable wild bird species.

Sa kabilang dako, sinabi ni Villar na ang panukalang konbersyon ng bahagi ng Mangabul Forest Reserve bilang ‘alienable at disposable land’ ay magsusulong sa social justice dahil mabibiyayaan nito ang long-term farmer-occupants ng lugar.

“It will also be for “setting things right” for farmers who have been occupying the area for a long time,” giit niya.

“We aim to strike a balance between affording social justice and the conservation and the restoration of our forest ecosystem,” dagdag pa niya.

Itinulak ni Villar ang pagsasabatas sa Expanded National Integrated Protected Areas Systems (E-NIPAS) Act of 2018 na nagpapalakas sa legal framework sa pagtatayo, pangangasiwa at pagpapanatili sa lahat ng designated protected areas sa bansa na ‘ecologically rich and biologically important public lands.’

Ikinokonsidera ni Villar na ‘landmark’ ang batas dahil legislation ng 94) pang protected areas o PAs, bukod sa karagdagang individually legislated 13 PAs sa ilalim ng operasyon ng orihinal na NIPAS law.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit sa 18th Congress, naipasa na nila ang limang bills na sumasakop sa lima pang protected areas sa ilalim ng ENIPAS. Naipasa na ang mga ito sa Office of the President para sa approval at enactment. (ESTONG REYES)

201

Related posts

Leave a Comment