Samantala, dalawa pang puganteng dayuhan na wanted sa kanilang mga bansa at nagtago sa Pilipinas, ang nadakip ng mga operatiba ng PNP-National Capital Regional Police Office
Ayon kay PNP-NCRPO Director P/MGen. Vicente Danao Jr., ang dalawang banyaga ay kanilang nadakip sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Parañaque.
Una rito, ayon kay P/MGen Danao, dumulog sa kanilang tanggapan ang Taipei Economic and Cultural Office (TECO) para matunton at dakpin ang isang 33-anyos na Taiwanese na may kasong illegal possession of firearms sa Pingtung District Court.
Madali namang naaksyunan ng mga tauhan ni Danao ang hininging
tulong dahil binabantayan na ito sa l isang condominium sa Baclaran dahil sa isang usapin na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operation o POGO.
Pumunta ang mga pulis sa gusali at nakuha ang lalaking wanted sa Taiwan.
Sa hiwalay na police operation, nahuli rin ng mga pulis sa Parañaque ang isang 37-anyos na Korean national na sinasabing nakatala sa Interpol wanted list, sa isang condominium sa Barangay Marcelo Green.
Sinasabing may kasong fraud na kinakaharap ang suspek sa kanilang bansa kaya nasa Interpol Red Notice list, ayon sa record ng Seoul Bukbu District Court sa South Korea.
Agad ipinag-utos ni Gen. Danao na ilipat sa Bureau of Immigration ang kustodiya ng dalawang wanted foreigner. (JOEL O. AMONGO/JESSE KABEL)
169
