BARANGAY CHAIRMAN NILIKIDA

PINAGBABARIL at napatay ang isang barangay chairman habang may kausap sa kanyang cellular phone kamakalawa ng gabi sa bayan ng Guagua, Pampanga.

Ayon sa ulat ng Guagua Police Station, dead on the spot ang 45-anyos na biktimang kinilala na si Barangay Sto. Niño Chairman Ranier Asban.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-9:10 ng gabi nang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa gasolinahan sa Barangay Sto. Niño, bayan ng Guagua.

Pagkaraan ay nakitang nakahandusay ang biktima habang namataan ang salarin na naglalakad palayo sa crime scene.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo nito sa pamamaril. (JESSE KABEL)

207

Related posts

Leave a Comment