P2.8-B FASTEST, LONGEST RAILWAY PROJECT SA PH, SISIMULAN NA

INAASAHANG mapasisimulan na ang itinuturing ngayong fastest and longest railway segment project sa Pilipinas na magbibigay ng maraming trabaho para sa libo-libong Pilipino bukod sa magpapabilis ng daloy ng kalakalan at transportasyon.

Ito ay matapos na lumagda ang Department of Transportation (DOTr) at ang isa sa mga dambuhalang railway contractors sa buong mundo na mula sa China para sa construction ng PNR South Long Haul Project DB (Package 1).

Nabatid na ang PNR South Long Haul Project DB ay binubuo ng apat na package na magdudugtong sa Luzon at Visayan region.

Ang DOTr ay lumagda sa commercial contract para sa PNR South Long Haul Project DB (Package 1) kahapon. Ang $2.8 billion railway na isa sa flagship projects sa ilalim ng President Duterte’s “Build, Build, Build” program, ay tinuturing na isa sa highest-funded G-to-G (government to government) project sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sinasabing isa na namang milestone para sa China-Philippines cooperation and friendship ang nasabing proyekto na binubuo ng makabagong railway system na may travel speed na 120 to 160 kilometer per hour.

Ang package 1 ay 380 kilometer railway na mag-uugnay sa Calamba sa Laguna at Legazpi sa Albay, ay magpapaikli sa travel time na mula 12 oras ay magiging apat na oras na lamang. Binubuo ito ng 23 bagong train station at mga bagong train para sa mabilis at maginhawang biyahe.

May kakayahan itong serbisyuhan ang 14.6 million passengers per year, oras na maging operational.

Inaasahang lilikha ito ng mahigit 10,000 direct construction jobs kada taon at daan-daang libong trabaho sa mga kaugnay na lugar particular sa 23 train stations na lilikhain na magpapalago sa ekonomiya sa kahabaan ng linya.

Ayon sa Chinese Embassy sa Pilipinas… “Just picture it in your mind: after a wonderful journey with whale sharks and fireflies in Legaspi, you have a fancy breakfast, then wave goodbye to Mayon Volcano and take the 160 km/h bullet train. Out of the window flashed by Quezon National Park and Lucena, soon you will pass the Seven Lakes of San Pablo. After 4 hours altogether, your journey ends in the highly industrialized Calamba, and you are not yet too hungry to have lunch.

Ang South Long Haul Project ay binubuo ng apat na package na may habang 566 kilometer. Ang Package 2 project ay may habang 102 kilometro na magdudugtong sa Legazpi at Matnog. Ang Package 3 ay may habang 45 kilometer na magdudugtong sa Calamba at Batangas.

Habang ang Package 4 naman ay may habang 29 kilometer na nagdudugtong sa Calamba at Sucat sa Parañaque.

Inaasahang mapasisimulan ang nasabing monorail project ngayong taong 2022. (JESSE KABEL)

253

Related posts

Leave a Comment