PITMASTER, NAMAHAGI NG P100-M SA LGUs SA METRO MANILA

LABAN lang! Ganyan ang laging sinasabi natin sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Hindi kasi lahat ng sektor ay buhay ngayon. Mas ­maraming dumapa.

Kaya mahalagang may mga grupong tumutulong sa mga pinakasapul ng krisis.

Kaya naman dahil sa patuloy na pagsirit ng hawaan ng COVID-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate ang Pitmaster Foundation ng P100 million sa Local Government Units (LGUs) para labanan ang virus at pambili ng COVID testing kits.

Sinasabing personal na inabot ni Pitmaster Executive Director Caroline Cruz ang P50 million cash at P50 million halaga ng COVID testing kits sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Kung hindi ako nagkakamali, ang pag-turnover ng donasyon ay sinaksihan din ng Department of the Interior and Local Government, at ng Department of Health sa Ynares Sports Arena sa lalawigan ng Rizal.

Kabilang sa mga dumalo sina DOH NCR Dir. Dr Gloria Balboa, DILG USec. Epimaco Densing III (Chairman, Task Group of Communities Response, IATF), Atty. Cruz, MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan at GM Atty. Don Artes.

“Ito po ang aming ambag sa pamahalaan para magkaroon ng COVID mass testing sa bawat lungsod dito sa NCR para kaagad ma-isolate ang mga may sakit para hindi na po makahawa ng kapamilya o katrabaho,” wika ni Cruz.

Ayon daw kasi sa mga eksperto, ang hindi maagap na detection ng may COVID ang dahilan kaya mabilis ang pagkalat ng virus sa rehiyon ngayon.

Sabi pa ng abogada, “gusto po ng aming Chairman na si Charlie “Atong” Ang na kung maaari lahat ng tao sa NCR ay ma-testing lalo na po ‘yung may symptoms”.

Aba’y nangako naman ang MMDA na ibabahagi agad ang cash at COVID rapid testing kits sa 17 LGUs sa Metro Manila.

Kasabay nga nito, muling nagpaalala si Atty. Cruz na bukas pa rin ang Pitmaster Foundation sa mga nangangailangan ng dialysis at chemotherapy.

Pumunta lang daw sa kanilang website at magparehistro.

Siyempre, wala kayong babayaran. Sila na po ang bahala sa gastos.

Ang mga katulad ng Pitmaster ay kailangan natin ­ngayon.

Nagtataka nga tayo kung bakit may nagagalit sa kanila. Pati ang mga kongresista ay binabatikos sila.

Bakit ayaw nila sa mga grupong katulad ng Pitmaster na tumutulong sa mga nangangailangan?

Nakapagtataka talaga itong mga solon. Nakakagalit na kung sino pa ang tumutulong ay siya pang binabatikos.

Suportado po natin ang adbokasiya ng Pitmaster Foundation.

Mabuhay po kayo at God bless!

198

Related posts

Leave a Comment