BI MANPOWER, PROBLEMA SA PAGTAAS NG MGA TINAMAAN

HINDI man kasing grabe ng Delta variant ang Omicron na mabilis na kumalat sa buong mundo ay “The show must go on” pa rin ang ating BI personnel frontliners partikular sa NAIA upang mabantayan ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa bansa kung saan ay tumataas pa rin ang bilang ng mga kawani na tinamaan, at ­ibinibigay ang serbisyo para sa ating bayan.

Dahil sa pandemya, isa rin sa matinding naapektuhan ay ang suweldo ng mga empleyado rito, maging ang regular at contractual ­employees ay binawasan ang sahod dahil sa kakulangan na ng pondo ng ahensya.

Noong nakaraang mga kolum natin ay ating binigyan ng pansin ang panawagan ng ilan sa Immigration officers na kasama sa mga nakasuhan kaugnay sa Pastillas Scheme, at pansamantalang inilipat sa medical unit bilang disciplinary action habang dinidinig pa ang kanilang kaso at nananatiling inosente.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin umano ng diskriminasyon itong ating Immigration officers sa kamay ng isang kanilang unit chief na si Dr. Maritess Ambray at ng kanyang assistant na isa lamang umanong job order employee na si Shiela Sanchez.

Ayon sa sumbong na ­ating natanggap ay tila ­power tripping umano ang ginagawa at ipinakikita nito sa kanila. Gaano kaya katotoo na itinatago ng medical unit ng BI ang listahan ng mga pangalan ng nagpositibo sa COVID na nasa kanilang unit?

Hindi rin umano maintindihan ng Immigration officers itong ginagawang polisiya ni Ambray na kung mayroon silang absent ay kailangan nilang mag-submit ng excuse letter? Hmm, teka doktor ba talaga ito o isang principal? ‘Wag ganun Madam, dahil tingin tuloy nila sa ‘yo ay para kang isang Kalabaw na nakatuntong sa likod ng Langaw… oh ‘di ba, natawa ka dahil baliktad? Para sa patas na pamamahayag ay binibigyan natin ng pagkakataon na maibigay ang panig ng nabanggit na mga pangalan.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring I’text ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

151

Related posts

Leave a Comment