TIGIL sa operasyon ang tatlong sangay ng Social Security System (SSS) sa bayan ng San Mateo, Antipolo at Cainta sa lalawigan ng Rizal.
Ito ang inihayag kahapon ng SSS-San Mateo, Rizal.
Base sa abiso ng Social Security System (SSS), pinapayuhan ang mga miyembro na makipagtransaksyon sa kalapit na mga sangay ng ahensya sa kani-kanilang lugar.
Nabatid na kabilang sa SSS branch offices na isinara ang SSS Cainta, San Mateo at Antipolo.
Hindi na idinetalye ng SSS ang pagsara ng operasyon sa nasabing mga sangay ng ahensiya. (KNOTS ALFORTE)
353
