UMAALMA ang ilang empleyado ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa Bicutan Detention facility maging sa Immigration officers na itinalaga sa medical unit ng ahensya dahil sa umano’y patuloy na tila pagiging malupit ng kanilang hepe.
Isa ang BI sa mga ahensya ng pamahalaan na may mga pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa mabilis na pagkalat ng Omicron variant partikular sa mga frontliner sa airport na maituturing nating buhay na bayani mula nang manalasa ang COVID-19 sa ating bansa.
Ngunit mayroon nga bang pagkukulang sa tungkulin ang medical unit ng ahensya upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga frontliner sa BI na kahit may banta ng panganib sa kanilang pamilya ay ginagawa pa rin nila ang kanilang trabaho upang makapagsilbi sa bayan.
Gaano kaya katotoo ang sumbong sa atin na ipinag-dadamot ng medical unit ang donated antigen kits at maging ang intelligence fund na nakalaan dapat sa mga empleyado nito upang sa ganun ay maiwasan ang patuloy na paglobo ng mga tinatamaan.
Sinasabing dalawa ang doktor na nakatalaga sa medical unit ngunit tila takot na takot daw ang mga ito sa pagkonsulta sa kanilang mga tauhan sa Bicutan dahil sa pangambang ma-expose sa virus? Hmm anyare? Aba kung may katotohanan ang sumbong aba, aba, aba… anong klaseng doktor ang mga ito na takot sumabak sa panganib?
Ang Red Cross ay nag-donate umano ng laptop na dapat ay para sa BI warden na may kaukulang instructions sa pagpapatupad ng safety measures ngunit sa kasamaang palad ay ipinakuha umano ito ni Dok Ambray at hindi na ibinalik? Hmm…
Anyare Dok? Kung sakaling ito’y ibabalik ni Dok ano kaya ang naidagdag nito na nakalagay sa laptop? ‘Wag naman sana scandal, ano po?
Mayroon tayong natanggap na impormasyon na itong si Dok Ambray ay minsan nang nasuspinde sa kanyang trabaho sa BI at ito ay ating aalamin kung may kinalaman ba ito sa katiwalian o pagpapabaya sa kanyang tungkulin.
Binabati ko pala ang isa sa aking Ex na si Amberly Rose na naging successful na sa kanyang pagiging nurse at malayo naman sigurong kamag-anak ito ni Dok dahil malayo rin ang itsura.
Para sa inyong reaksyon at sumbong, maaaring i-text ako sa 09158888410.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
207 