SA ganang akin, sa mahigit kumulang na 60% na pagtanggap ng mga Pilipino kay dating Senador Bongbong Marcos ay 100% na ang kanyang pagkapanalo sa gaganaping Mayo 9 national and local elections.
Base sa aking sariling computations, kahit pa pagsama-samahin ang boto ng kanyang mga katunggaling sina Leni Robredo, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Isko Moreno, Leody de Guzman at Enesto Abella plus undecided, ay hindi pa rin sila makakaabot sa taas ng pagtanggap ng mga Pinoy kay BBM.
Sa mathematics po hanggang 100% lang, kung nakuha ni BBM ang suporta ng mahigit-kumulang 60% ng mga Pilipino ay 40% na lang ang paghahatian ng kanyang mga katunggali.
Ang mahigit kumulang 60% na suporta ng mga Pilipino kay BBM ay posible pang lumaki sa simula ng campaign period ngayong Pebrero 8.
Malaking tulong dito ay ang patuloy na hindi pagsagot ni BBM sa mga naninira at nanabotahe laban sa kanya.
Hindi rin naging kabawasan kay BBM ang hindi niya pagdalo sa ‘Presidential Interview’ ni Jessica Soho ng GMA-7 kamakailan.
Malaking ambag din sa kanya (BBM) ang libu-libong vloggers na sumusuporta sa kanya na nagpapaliwanag sa taumbayan sa mga ginagawang paninira at pananabotahe laban sa kanya.
Bagama’t sobra-sobra ang paninira at pananabotahe ng mga katunggali ni BBM na nagsimula sa Martial Law issue, nakaw na yaman, pekeng Rappler survey, emergency alert sabotage, filing of disqualification cases, cancellation of Certificate of Candidacy (COC), banta sa buhay, at pagbanat ni Comm. Rowena Guanzon, ay wala pa ring epekto ito sa pagsuporta sa kanya ng taumbayan.
Ngayon ay iniintriga na naman siya na ang kanyang asawa raw na si Atty. Liza Araneta Marcos ay nakikipag-usap sa kampo ni Vice Presidential Aspirant Tito Sotto.
At ang paglulunsad ng Isko-Sara (ISSA) tandem na ginawa sa isang restaurant sa Quezon City kamakailan na pinangunahan ni Cong. Zajid “Dong” Mangudadatu.
Lahat ng mga ito ay hindi nakabawas sa tiwala ng taumbayan kay BBM.
Lalo pa itong nagpatatag sa pundasyon na magdadala kay BBM patungo sa Palasyo ng Malakanyang.
Bagama’t malaki ang ginagastos ng mga kalaban ni BBM sa kanilang FB at TV ads ay hindi rin umaangat ang mga ito sa kanilang mga survey.
Sa katunayan sa pinakahuling dalawang survey ay naunahan na ni Moreno si Robredo.
Sa Manila Bulletin x Tangere survey na nagsimula noong Enero 18-19, 2022 ay lumalabas na nakapagtala ng 57.67% si BBM.
Pumangalawa na si Moreno na may 16.75%; pangatlo na lamang si Robredo na may 15.08%; Lacson, 4.71%; Pacquiao, 4.29%; (?) other candidates, 1.04%; Leody de Guzman, 0.21%; Norberto Gonzales, 0.17% at Ernesto Abella, 0.08.
Kahit pagsama-samahin pa lahat ng kanilang survey na 43.05% ay hindi pa rin aabot sa 57.67% ni BBM.
Sa inilabas namang survey ng Issues and Advocacy Center noong Enero 25, nakapagtala si BBM ng 51%; Moreno, 14%; Robredo na nasa pangatlo ay 11%; Pacquiao, 10% at Lacson, 8%.
Mas lamang pa rin si BBM na may 51% sa survey na ito sa kanyang mga katunggaling sina Moreno, Robredo, Pacquiao, at Lacson na nakapagtala lamang ng kabuuang ng 43%.
Naniniwala pa ang kampo ni BBM na lalo pa itong lalaki pagdating sa campaign period na magsisimula sa Pebrero 8, 2022.
oOo
Para suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com at mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
180 