TIKTOKER VS BBM TUKOY NA NG PNP

tiktok

NAGKASA ng tracker team ang pamunuan ng Philippine National Police matapos na tuluyang matukoy ang may-ari ng Tiktok account na nasa likod ng assassination plot laban kay dating Senador at ngayon ay presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos o BBM.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos sa isang pulong balitaan sa Camp Crame.

Pansamantalang hindi muna pinangalanan ni Gen. Carlos ang taong nasa likod nito habang patuloy ang ginagawang case build-up kaugnay sa gagawing pagsasampa ng pormal na reklamo.

Sinasabing kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng digital trail ang kanilang mga cyber forensic expert para sa pagsasampa ng kaso at para sa paglalabas ng warrant of arrest.

“His digital trail was continuous and then eventual identification. After that, we’ll file a case, issue a warrant of arrest, and then the tracker team gets the person responsible for this kind of threat,” pahayag ni Gen. Carlos.

Kaugnay sa pagbibigay ng seguridad sa mga political VIP, inihayag ng heneral na bukod kay BBM ay wala pa silang reklamo na natatanggap mula sa ibang mga kandidato na mayroon ding death threat.

Hindi kinumpirma ng PNP kung may kakayahan nga ba ang sinasabing Tiktoker na isagawa ang bantang pagpatay.

Sa pagsasalarawan ng PNP Anti-Cybercrime Group, sinasabing ang Tiktok user ay isang “public account” na kinakitaan ng pagsuporta sa Kabataan Party-List Account. (JESSE KABEL)

205

Related posts

Leave a Comment