VAN SWAK SA ILOG 4 PATAY, 8 SUGATAN

APAT ang patay habang walo ang sugatan makaraang mahulog sa ilog ang isang van sa Butuan City.

Ayon sa inisyal na ulat ng Butuan City Police Office, nahulog ang isang passenger van sa pampang ng isang ilog sa nasabing siyudad nitong Martes.

Nabatid sa imbestigasyon, tinatahak ng puting passenger van na lulan ang 12 katao, ang kahabaan ng national highway nang biglang nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver nito.

Bunsod nito, sumalpok ang van sa steel barrier saka nahulog sa pampang ng ilog na ikinamatay ng apat na pasahero nito at ikinasugat ng walong iba pa.

Sinasabing nagmula ang mga biktima sa Cagwait, Surigao del Sur at binabaybay ang direksyon patungong Butuan City nang mangyari ang aksidente.

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa insidente. (JESSE KABEL)

 

167

Related posts

Leave a Comment