DALAWANG indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad sa mga probinsya ng Camarines Norte at Masbate kaugnay ng implementasyon ng COMELEC gun ban.
Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, nadakip sa Purok-6, Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte, ang isang lalaki ng pinagsamang mga operatiba ng Mercedes MPS, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company, at CNMARPSTA sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms & Ammunition Regulations Act, na ipinalabas ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si Marcelito Gadil y Rogacion na nakumpiskahan ng isang kalibre .38 pistola at limang bala.
Samantala sa Masbate, ikinasa ng mga tauhan ng San Fernando MPS; Bravo Coy 2IB 9ID PA, at Masbate 1st PMFC ang paghahain ng search warrant para sa suspek na si Glenn Jerry Almocera y Garcia na nakumpiskahan ng isang kalibre .45 pistola na walang magasin at bala.
Ang operasyon laban sa suspek ay batay sa search warrant na inisyu ng RTC, Branch 50, San Jacinto, Masbate.
“Ang pagbuhos ng suporta sa PNP Bicol ay isang indikasyon lamang ng pakikiisa ng mga Bicolano na linisin ang komunidad sa banta ng
kriminalidad patungo sa mas maayos at maunlad na rehiyon para sa ating mga kabataan, at sa mga susunod pang henerasyon,” ayon kay RD Estomo. (JESSE KABEL)
221
