NAGHAHANDA na ang Department of Finance (DOF) ng fiscal consolidation proposal nito para sa gagawing pagpapataas sa singil sa buwis para pambayad sa tumataas na utang ng Pilipinas.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), na kasama sa kanyang panukala ang measures o mga hakbang na makalilikha ng revenues o kita para pambayad ng bansa sa utang na ginamit para tugunan ang COVID-19 pandemic.
“We are just putting the final touches on our fiscal consolidation plan and we are not… At this point I don’t have a complete package but certainly, looking realistically at our situation, we have to pay for COVID,” ayon kay Dominguez.
Sa ilalim ng liderato ni Dominguez, sinimulan ng DOF ang tax reform program ng administrasyong Duterte na may mga kaukulang batas gaya ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE). (CHRISTIAN DALE)
684 