RAPE SUSPECT SA MIMAROPA NATUNTON SA CAVITE

SA Cavite natunton ang isang 37-anyos na lalaking tinaguriang most wanted person, ranked 20 regional level sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (MIMAROPA) at naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) ng lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Paul Jerico Lopez y Moran, isang helper sa bakery sa GMA, Cavite.

Ayon sa ulat ng GMA Police Station, nakipag-ugnayan ang Regional Intelligence Unit, PRO4B, Cajidiocan MPS, Romblon sa Cavite PIU at GMA Police Station nang nakatanggap ng ulat na ang suspek ay nagtatago sa GMA, Cavite.

Bunsod nito, nagsagawa ng pinagsanib na operasyon laban sa most wanted ang mga awtoridad at naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape. (SIGFRED ADSUARA)

283

Related posts

Leave a Comment