P2.5-B FUEL SUBSIDY SA TRANSPORT SECTOR FOR RELEASE NA

gas

HANDA na ang pamahalaan na ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers.

Isa itong relief assistance para mapagaan ang epekto ng kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa apektadong sektor.

Sa isang kalatas, ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) — binubuo ng mga Kalihim ng Finance, Budget, at Socioeconomic Planning— ay nagpahayag na mahigpit nilang mino-monitor ang mga dahilan na nakakaapekto sa presyo ng langis sa bansa.

Sinabi ng mga economic managers na handa na ang gobyerno na ipalabas ang pondo para tulungan ang mga tsuper, magsasaka at mangingisda.

“To assist the transport sector, the government is preparing to release P2.5 billion for the Fuel Subsidy Program of the Department of Transportation (DOTr),” ayon sa DBCC.

“This aims to provide fuel vouchers to over 377,000 qualified PUV drivers who are operating jeepneys, UV express, taxis, tricycles, and other full-time ride-hailing and delivery services nationwide,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, humiling na ang Department of Transportation (DOTr) sa Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakayan sa harap ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo. (CHRISTIAN DALE)

315

Related posts

Leave a Comment