JEEP NIRATRAT 1 PATAY, 1 SUGATAN

BATANGAS CITY – Isa ang patay habang isa ang nasugatan matapos na pagbabarilin ang sinasakyan nilang jeep sa national highway, Barangay Libjo sa lungsod na ito, noong Biyernes ng umaga.

Napatay sa insidente ang 49-anyos na foreman na si Leonardo Arcoirez habang sugatan naman ang 43-anyos na si Efren Zapata, utility worker, na nadamay sa pamamaril.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-6:15 ng umaga, tinatahak ng mga biktima ang highway lulan ng Isuzu jeepney (Plate No. DVZ-319) nang bigla silang paulanan ng bala ng ‘di kilalang mga suspek.

Natadtad ng tama ng bala sa katawan si Arcoirez habang tinamaan din si Zapata na nakaupo sa tabi nito.

Isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Arcoirez ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. Dinala naman si Zapata sa Golden Gate Hospital kung saan ito patuloy na nagpapagaling.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang mabatid ang pagkakakilanlan ng tumakas na mga suspek at inaalam ang posibleng motibo ng pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)

207

Related posts

Leave a Comment