IVANA ALAWI PINURI ANG BRILLIANT SKIN SA PAGKUHA NG PWD BILANG EMPLEYADO

PINURI ng aktres at content creator na si Ivana Alawi ang Brilliant Skin Essentials Inc., na pagmamay-ari ng skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, mas kilala bilang “Miss Glenda,” dahil sa pagsusulong nito ng inclusivity sa pamamagitan ng pagkuha ng mga persons with disabilities (PWDs) bilang bahagi ng mahigit 1,000 empleyado nito.

Ginawa ni Alawi ang pahayag matapos ang kanyang pagbisita sa isa sa mga production facility ng kumpanya, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang mga manggagawa nito.

“Isa sa mga nakakatuwa dito sa Brilliant Skin—meron silang mga PWD. Hinahayaan talaga nila magtrabaho. Talagang part sila ng Brilliant Skin,” sabi ni Ivana, na nagsabing binanggit na may 11 PWD na empleyado ang kumpanya at itinuturing silang mahalagang bahagi ng operasyon nito.

“Mas gusto kong suportahan yung mga business talaga na lahat welcome. Eleven ang PWD nila dito sa Brilliant Skin,” diin niya.

Ibinahagi rin ni Ivana ang kuwento ni Dinky, isang single father na anim na taon nang nagtatrabaho sa Brilliant Skin at umaasa sa kanyang trabaho upang masuportahan ang kanyang batang anak.

“Ito yung kanyang bread and butter—ito yung trabaho niya para masustain niya yung anak niya,” ibinahagi niya.

Sinabi ni Dinky kay Ivana na masaya siya sa oportunidad na makapagtrabaho sa Brilliant Skin, na sinagot naman ng aktres/vlogger ng: “Tatagal ka ba ng six years kung hindi?”

Hinimok din niya ang publiko na suportahan ang mga negosyong nagsusulong ng inclusivity at pantay na oportunidad para sa lahat.

“Dapat talaga binibigyan pa rin natin ng trabaho ang ating mga PWD. We need to really try to understand and love them because pare-pareho naman tayo,” wika niya.

Kinilala ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang 2025 Top Employer of the Year ng Municipality of Morong, Rizal.

Bukod sa parangal na ito, kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang isa sa mga nangungunang nagbabayad ng buwis sa munisipalidad, na napabilang sa Top 3 Outstanding Business Taxpayers of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayers of the Year.

Samantala, ang isa pang negosyo ni Miss Glenda na Pink Ladder Construction and Development OPC ay kinilala bilang Top 14 Outstanding Business Taxpayer of the Year.

Sa kasalukuyan, may mahigit 1,000 empleyado na ang Brilliant Skin Essentials sa buong bansa at nakapagtatag na rin ito ng malawak na network ng mga franchisee at distributor sa buong Pilipinas.

99

Related posts

Leave a Comment