NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na pasahero matapos tumaob ang isang motorbanca sa karagatan malapit sa Barangay Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro nitong Abril 22, 2026.
Ayon sa PCG, agad nagsagawa ng search and rescue operation ang kanilang mga tauhan at natunton ang tumaob na bangka.
Ligtas na nailigtas ang lahat ng pasahero at iniulat na nasa maayos na kalagayan.
Nagsagawa rin ang PCG ng towing operations upang hilahin ang motorbanca patungo sa pinakamalapit na dalampasigan.
Patuloy na mino-monitor ng PCG search and rescue team ang sitwasyon at nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.
(JOCELYN DOMENDEN)
93 