‘DI BALIMBING SI ISKO, NAGTATRABAHO LANG!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA pulitika ng Pilipinas, mabilis ang bansag. Isang araw, kakampi, kinabukasan, “balimbing.” Kapag hindi ka nila kontrolado, sisirain ka. Ganito ang ibinabato ngayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso. Pero kung susuriin, mas madali kasing magbintang kaysa umintindi. Tapos na ang eleksyon. Serbisyo ang tunay na laban ngayon. Para kay Yorme, simple lang: Batang Maynila muna bago pulitika. Kung may tulong mang dumarating mula sa pambansang pamahalaan, hindi ito utang na loob o kulay pulitika. Bunga ito ng kakayahan, pakikipagtrabaho, at pakikipag-ugnayan, na…

Read More

MAHIRAP MAGING MIDDLE CLASS SA ‘PINAS

CLICKBAIT ni jO BARLIZO NAMUMURO na ang pagbabalik-bansa ni Zaldy Co. Marami ang tila nae-excite lalo na ang mga miron na handa nang bumili ng isang drum na popcorn. Pero ang tanong, sa kanyang pagbabalik ay ano kaya ang magiging linyahan ng dating kongresista? Pangangatawanan ba niya ang kanyang mga alegasyon sa kanyang ‘video series’ o babago siya ng linya? May mga naniniwala kasi na may mangyayaring laban-bawi. Anong ‘totoo’ ang kanyang pangangatawanan at ibibida sa publiko? Abangan natin ‘yan. o0o Habang wala pa si Zaldy Co, dito muna tayo…

Read More

HUSTISYA NAKABATAY SA EBIDENSYA, HINDI SA HINALA

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng ingay ng opinyon at emosyon ng publiko, mahalagang balikan ang pinakapundasyon ng batas: ang bawat akusado ay inosente hangga’t hindi napatutunayang nagkasala. Ito ang kontekstong dapat pagtuunan sa naging desisyon ng Manila Regional Trial Court na payagan ang piyansa ni dating Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa kasong murder noong 2019. Hindi basta-basta nagbibigay ng piyansa ang hukuman, lalo na sa mabibigat na kaso. Ang batayan nito ay malinaw—kung ang ebidensya ng prosekusyon ay hindi sapat upang magpatunay ng matibay na kaso,…

Read More

ILEGAL NA SUGAL LAGANAP SA SAN PEDRO, LAGUNA; HEPE NG PULISYA TIKOM

LAGUNA– Patuloy at talamak pa rin umano ang operasyon ng ilegal na sugal sa San Pedro, Laguna sa kabila nang mahigpit na kautusan ng Philippine National Police (PNP) laban sa lahat ng uri ng ilegal na pasugalan. Isang aktibong bookies operation sa ilalim ng isang JC Sicot ang sinasabing nagpapatuloy sa lungsod at may sapat umanong pondo upang manatiling tumatakbo sa kabila ng mga direktiba sa pambansang antas na sugpuin ang illegal gambling. Ayon sa ulat, may mga alegasyon ng proteksyon mula sa loob ng lokal na hanay ng pulisya…

Read More

AFP, U.S. FORCES NASAGIP 6 SAKAY NG SUMEMPLANG NA TRUCK

NAGSAGAWA ng rescue at medical evacuation ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Marines matapos sumemplang ang isang cargo truck sa malalim na bangin malapit sa Lal-lo Airport sa Cagayan. Ayon kay Col. Xerxes A. Trinidad, mabilis na rumesponde ang mga sundalo na kalahok sa Exercise Balikatan 41-2026 upang iligtas ang anim na sakay ng sasakyan. Apat sa mga biktima ang agad na na-rescue at dinala sa pinakamalapit na pagamutan matapos mawalan ng kontrol ang truck na may kargang semento at bumulusok sa bangin.…

Read More

BUS BUMULUSOK SA BANGIN; 2 PATAY, 35 SUGATAN

DALAWANG lalaki ang nasawi habang 35 iba pa ang masugatan nang bumulusok sa malalim na bangin ang isang passenger bus sa bayan ng Pagbilao, sa lalawigan ng Quezon, ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Ayon sa ulat, Lunes ng gabi nang biglang bumulusok ang passenger bus sa mahigit 30 talampakang lalim ng bangin na ikinasawi nina alyas “Sonny,” 34-anyos, ng Mercedes, Camarines Norte, at “Ian,” 31-taong gulang, ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Kapwa idineklarang dead on arrival sa Quezon Medical Center (QMC) ang dalawang nasawi.…

Read More

DSWD NAGBABALA LABAN SA ‘FIXERS’ SA TRAVEL CLEARANCE PROCESSING

NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga ‘fixer’ na nag-aalok ng serbisyo para pabilisin ang pagproseso ng travel clearance para sa mga menor de edad na bibiyahe sa ibang bansa. Sa ilalim ng programang Minors Travelling Abroad (MTA), nilinaw ng ahensya na may mga hindi awtorisadong Facebook pages at grupo na nagpapanggap na konektado sa kanilang serbisyo. Kabilang sa binanggit na mga pahina ang Blackbox Travel and Tourism, Flightdeck Junielen Taniola, at Blackbox Ph Travel Corporation na umano’y nag-aalok ng pagpapabilis ng proseso para sa…

Read More

LTFRB IPATATAWAG SA SENADO SA HINDI UPDATED LIST NG PUV DRIVERS

NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na magpaliwanag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa hindi updated na listahan ng mga driver ng Public Utility Vehicles (PUV). Plano ng senador na magpatawag ng pagdinig upang matukoy ang dahilan ng mabagal na pag-update at paglilinis ng listahan. Binigyang-diin ni Gatchalian na ang listahan ng LTFRB ang ginagamit na batayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pamamahagi ng ayuda. Ayon sa kanya, may mga reklamo ng discrepancies sa records ng LTFRB at Department of Social Welfare and Development (DSWD)…

Read More

SC: 1-YEAR LANG PRESCRIPTIVE PERIOD NG CYBERLIBEL

PINAGTIBAY ng Korte Suprema en banc na isang taon lamang ang prescriptive period ng cyberlibel, na bibilangin mula sa petsa ng pagkakadiskubre ng krimen. Sa resolusyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, ibinasura ng Korte Suprema ang magkahiwalay na mosyon para sa reconsideration na inihain nina Berteni Cataluña Causing at ng Office of the Solicitor General (OSG). Nag-ugat ang kaso sa reklamong cyberlibel na isinampa noong 2020 ni Cotabato Second District Representative Ferdinand L. Hernandez laban kay Causing kaugnay ng mga Facebook post noong 2019. Nilinaw ng…

Read More