P103-M MARIJUANA SINUNOG SA KALINGA

TINATAYANG P103 milyong halaga ng marijuana ang sinunog kasunod ng isinagawang anti-illegal drug operations (marijuana eradication) sa bayan ng Tinglayan sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon kay Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., nagsagawa ng anti-illegal drug operations ang kanyang mga tauhan kasama ng Joint Task Group Peace and Justice, mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at local police, sa Brgy. Tulgao East at Mt. Chumanchil, Brgy. Loccong, pawang nasa Tinglayan, Kalinga.

Agad na ipinag-utos ang agarang pagsunog sa 485,900 fully grown marijuana plants (FGMP), 72,000 grams ng dried marijuana leaves at 5,000 grams ng marijuana seeds sa lugar.

Ayon kay Lt. Gen. Torres, 14 plantations na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Tinglayan, ang sinalakay ng kanyang mga tauhan.

Ayon sa report ni JTG Commander Brig. Gen. Santiago Enginco, “Six plantations were found in Brgy. Tulgao, another six in Brgy. Loccong, and two plantation sites in Brgy. Butbut, which sums up to 45,500 sqm of land area and has an estimated value of P103,365,000”. (JESSE KABEL)

241

Related posts

Leave a Comment