WARRIORS NILAPA NG WOLVES

KAMAKALAWA, top scorer si D’Angelo Russell pero game winner ang tres ni Karl-Anthony Towns laban sa Cleveland Cavaliers.

Nitong Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila), nagbaliktad ang dalawang manlalaro dahil top scorer naman si Towns, 39 points at may nine rebounds, habang 22 puntos ang ambag ni Russell sa panalo ng Minnesota Timberwolves kontra Golden State Warriors, 129-114, sa Minneapolis.

Tumulong din sa T’Wolves si Malik Beasley, 20 points buhat sa 6-of-9 sa 3-point range.

Lamang ang Minnesota, 54-42 points on paint, laban sa Warriors na walang maisagot sa bawat bato ni Towns.

Nanguna naman si Stephen Curry sa Golden State, 34 points, ngunit ang league’s career leader sa 3-point shooting ay nanlamig at mayroon lamang 5-for-16 sa long range.
Nagsumite si Gary Payton II ng 14 points sa Warriors, may NBA’s second-best record, pero nakakaanim na talo na sa walong laro.

Ang Timberwolves, 34-29 bago ang laro at tatlo at kalahating games lang sa labas ng No. 6 spot sa Western Conference ay puwedeng makaiwas sa play-in tournament.

Lumarong wala si Anthony Edwards sanhi ng knee tendinitis, naipanalo ng Wolves ang ikaanim na sunod na games sa Warriors (sa home), at kinalimutan ang 11-game losing streak sa Golden State sa road games nang umakyat sa season-best five games sa itaas ng .500 mark.

Sa panig ng Warriors (43-19), nanganganib masipa ng Memphis (43-20) sa second place, ay lumarong wala si Klay Thompson sa ikalawang sunod na laro sanhi ng karamdaman. Gayundin si Nemanja Bjelica (bruised quadriceps).

Si Moses Moody, pumalit kay Thompson bilang starter, ay nilisan ang laro sa first quarter sanhi ng bruised left eye matapos ang collision kay Towns sa ilalim ng basket. Hindi pa rin nakalalaro sina Draymond Green at James Wiseman.

Matchup ito ng dalawang koponang mataas ang 3-point shooting sa liga, pero halos kinontrol ng Minnesota ang laro simula sa 18-5 run sa first quarter.

NAPAAGA, 24-YR
CELEB NI TATUM
ILANG araw bago ang kanyang 24th birthday, maagang nagdiwang si Jayson Tatum nang umiskor ng 33 points, eight rebounds at seven assists at inakay ang host Boston Celtics sa rally sa second half para tiradurin ang Atlanta Hawks, 107-98.

Nagsumite sina Derrick White at Grant Williams ng tig-18 points off the bench, at may ambag si Marcus Smart na 16 points at four assists.

Wagi ang Boston ng 10 sa huling 12 laro at ikatlo sa apat mula noong All-Star break.

May 31 points naman si Trae Young at 25 puntos mula kay Bogdan Bogdanovic para sa Hawks, ikalawang talo sa tatlong laro.

Umabante ang Atlanta hanggang 17 points sa first half, bago ito naglaho sa 14-0 spurt ng Boston sa third quarter.

Umakyat si Tatum sa ikatlong pwesto ng all-time scoring list sa TD Garden at nilampasan si ­Celtics ­legend Kevin Garnett, itinala ang karamihan sa kanyang scoring sa TD Garden sa anim na season (2007-2013). Pormal na ire-retire ang kanyang jersey No.5 sa Marso 13 sa paghaharap ng Boston at Dallas.

Si Tatum ay may 3,441 points sa 170 career games sa teritoryo ng Boston at may average 20.2 points per game ngayong season.

Hinawakan ng Celtics ang momentum, na-outscore ang Hawks, 31-13 sa third at kinuha ang 82-78 edge sa fourth. Lumobo ang Boston lead sa 102-88, 3:11 sa laro kasunod ng back-to-back 3-pointers ni Grant Williams.

Sa unang pagkakataon sa nakalipas na linggo, ‘in full strength’ ang Celtics papasok sa laro, pero hindi ito nagtagal nang lisanin ni Jaylen Brown ang first quarter bunga ng right ankle sprain nang bumagsak matapos mag-drive.

ROCKETS DISKARIL
SA CLIPPERS
HINDI na kinailangang mag-huddle ni coach Tyronn Lue nang humingi ng timeout sa huling apat na minuto ng laro at nakipagtawanan lang kina forward Robert Covington at ibang players dahil abante ng 18 puntos ang kanyang koponan laban sa team na may pinakamasamang rekord.

Tinalo ng Los Angeles Clippers ang host Houston Rockets, 113-100, ikaapat na sunod at ikalawa laban sa Rockets.

Iniiwasan ng Clippers na pumasok sa postseason sa NBA’s play-in tournament kung saan ang seventh, eighth, ninth at 10th ­seeded teams sa bawat conference ay may mini-playoff, bago magsimula ang regular playoffs. Pero upang magawa ito, kailangang maipanalo ang limang laro sa Dallas at Denver sa nalalabing 18 games.

“It’s going to be tough for us but we got to continue to keep grinding so we don’t have to be in the ­play-in situation,” pahayag ni Lue. “But if we’re in the play-in situation that’s just what we got to do. You can look ahead and see how far ahead teams are and what you got to do to try to catch them. It’s just part of the season. I think everybody does that to see where you’re going to end up at.”
Sa ibang laro, banderang kapos na naman ang Los Angeles Lakers matapos yumuko sa Dallas ­Mavericks, 109-104. Ga-buhok na panalo naman ang naitakbo ng Toronto Raptors kontra Brooklyn Nets, 109-108. At tinalo ng Washington Wizards ang Detroit Pistons, 116-113. (VT ROMANO)

190

Related posts

Leave a Comment