TANGING 1/3 ng 36.7 milyong fully vaccinated individuals ang nakatanggap ng kanilang coronavirus booster shots.
Sinabi ni National Vaccination Operations Center Chief Myrna Cabotaje na 36.7 milyong eligible individuals ang dapat sana ay nabigyan na ng booster shots subalit 10 milyon lamang ang nagpakita sa mga vaccination center para makatanggap nito.
“‘Yung iba nag-iisip kung kelangan ng booster, ‘yung iba naman,they don’t see the urgency of the booster,” ayon kay Cabotaje.
Plano ng NVOC na palakasin ang booster shots ng pamahalaan ngayong Marso sa pamamagitan ng pagdadala ng COVID-19 jabs sa mga lugar ng trabaho.
Ang adults na edad 18 pataas ay eligible na makatanggap ng kanilang booster shots tatlong buwan matapos nilang makompleto ang kanilang primary series.
Para naman sa 17 taong gulang pababa, hindi pa nagpapalabas ang pamahalaan ng polisiya kung kuwalipikado na ang mga ito na makatanggap ng booster shots, subalit sinabi ng vaccine experts na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na mabigyan din ang mga ito.
Sa ngayon, makikita sa data ng NVOC na 63 milyong Pilipino ang fully vaccinated – 93% ay healthcare workers, 62.82% ay senior citizens, at 92% naman ay people with comorbidities. (CHRISTIAN DALE)
164
