DALAWANG lalaki na nasa drug watch list ng pulisya, ang binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District-Station Drug Enforcement Team (SDET) noong Biyernes ng hapon sa Tondo, Manila.
Kinilala ang mga suspek na sina Felix Amahan Jr., 52, vendor, at Allan Velilla, 42. helper, at kapwa residente sa Barrio Menu St., Dagupan, Tondo.
Samantala, timbog din ang sinasabing parukyano ng ilegal na droga na si Mark Lopez, 30-anyos, construction worker, ng Quiricada St., Sta. Cruz, Manila.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Station 2, bandang alas-4:20 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation sa Barrio Menu, Dagupan St. sa Barangay 49 sa Tondo na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)
259 