5 TULAK TIKLO SA P.3-M SHABU

LIMANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado makaraang makumpiskahan ng P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Valenzuela City.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 nang madaling araw nang damputin sa Bohol St., North Ville 1, Brgy. Bignay ang mga suspek na sina Mark Dominic Borcelis, 30, at Gigi Borja, 47, at nakumpiskahan ng P47,600 halaga ng shabu.

Habang dakong alas-5:00 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa Jacinto St., Brgy. Canumay West matapos ingusong nagtutulak ng shabu si Wilter Abainza, 43, ng Northville 2-A Canumay West at nakumpiskahan ng 25 gramo ng shabu na P170,000 ang presyo.

Makalipas ang kalahating oras, 10 gramo ng shabu na P68,000 ang presyo ang nakumpiska naman sa mga suspek na sina Jhomar Mendoza, 18, at Reynaldo Lebrino, 43, sa operasyon sa San Vicente St., Brgy. Karuhatan. (ALAIN AJERO)

500

Related posts

Leave a Comment