‘EXECUTIVE SESSION’ SA SENADO HILING NI ATONG ANG

Part 1

Ibinulgar ni Charlie Atong Ang sa hearing ng Senado na nag-iimbestiga sa mga nawawalang mahigit sa tatlumpung (30) sabungero na may “conspiracy” na nagaganap sa kasalukuyan patungkol sa disappearances ng mga nawawalang sabungero.

Kasabay nito ang paghiling sa komite ni Senator Ronald “Bato dela Rosa para sa isang “executive session” upang maibulgar nito ang inaakalang conspiracy sa pagitan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno at ng isang kilalang traditional /familiar gambling lord ng Luzon.

Dumalo nang personal ang tinaguriang “ama” na online sabong na si Charlie “Atong”Ang makaraang ipatawag ito ng Senado sa isinasagawang pagdinig.

Samantala, nangangamba naman ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na malaki ang mawawalang revenue ng gobyerno bukod sa posibleng pang makasuhan ang ahensya kapag sinuspinde ang operasyon ng e-sabong sa bansa.

Ayon kay PAGCOR chair Andrea Domingo, hindi ganun kadaling suspendihin ang online cockfighting dahil malaki ang epekto nito sa revenue generation.

Sabi ni Domingo, ang buwanang kita sa e-sabong mula Mayo hanggang Disyembre 31 ay mahigit P400 milyon. Lumaki ito sa P640 milyon kada buwan mula noong Enero ng taong ito.

“We stand to the peril of having to pay P640 million pesos a month while we suspend the operations without a clear and legal basis,” sabi ni Domingo.

“We are all emotional here. I do condole with everybody who suffered from this but we also have to look into the repercussions of this, with this loss of revenues committed by us — because when you urge us, you actually give us the responsibility of using our own discretion to implement the sense of the Senate. So, therefore, in the final analysis, it would be PAGCOR who would be responsible for the decision,” dagdag pa niya.

Bukod diyan, sinabi ng PAGCOR chief na posibleng masampahan sila ng kasong legal sakaling pakinggan nila ang panawagan ng Senado na suspendihin ang lisensya ng mga kompanya ng e-sabong.

Bukod sa posibleng pananagutan sa Commission on Audit (COA), maari rin umanong silang kasuhan dahil sa paglabag sa kontrata sa mga e-sabong licensee.

Sa ilalim ng kasunduan sa mga e-sabong operator, sinabi ni Domingo na ang mga operator ay kailangang magbayad ng P2.5 milyon para sa lisensya, P75 million cash performance bond at P75 minimum guarantee kada buwan.

Kung susumahin ang pros and cons sa pagpapatigil sa operasyon ng E-Sabong, mukhang mas lamang dito ang continuation ng kinokondenang pasugal.

In the first place kasi, kung sadyang maghihigpit tayo sa mga nakalinyang mga pasugal na maituturing legal at pinamamahalaan at sinu-supervised ng pamahalaan, di puwedeng i-single-out ang e-sabong.

Napakaraming masamang idinudulot na perwisyo sa buhay ng tao ang dala ng kultura ng pagsusugal ngunit pinapayagan ito ng estado dahil sa nakukuhang malaking buwis mula ditto.

Kahalintulad lamang iyan o nakapaloob sa kategorya ng tinaguriang “sin taxes”.

Marami rin nakaakibat na “legal predicament” para mapatigil ang mga ito dahil nga sa may mga kontrata at prangkisang ipinagkaloob ng gobyerno.

Hindi simple ito na gaya ng pagpapainom ng gatas sa isang sanggol.

Hindi rin ito kasi dali na nais palabasin at iginigiit ng Senado.

Kahit ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nirerespeto rin ang pinasok na kontrata ng Pagcor sa mga stakeholders at operators ng e-sabong kung kaya’t malabo pa sa tubig sa imburnal na mapatigil ang sugal na ito.

Sabi nga ni Pagcor Chair Andrea Domingo, the Senate had become emotional sa isyu dahil sa pressure mula sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Pero ang emosyon natin lahat ay hindi puwedeng ipangtapat sa mga nakatadhanang batas ng bansa.

So reading between the lines’, E-Sabong is destined to be with us in the days to come.

Sorry na lang ‘dun sa mga taong namamatay ng inggit kay Atong Ang at sa Pitmasters hehehe.

Weather-weather lamang talaga ika nga!

Ang Pitmasters at si Boss Atong ay napakarami nang taong natulungan.

At patuloy na tumutulong sa lahat ng nangangailangan kahit walang media publicity.

Malaking buwis din gaya nang sinasabi ng pamahalaan ang naipagkakaloob nito at naitutulong para sa lugmok na ekonomiya ng bansa.

Stopping the operations of e-sabong is illogical and stupid.

At hindi rin pabor dito ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kaya sorry na lang Senator Bato dela Rosa, nakuryente ka ata nang sabihin mong ok na sa Pangulong Duterte na ipatigil ang e-sabong.

Your pronouncement seem to be too premature!

May karugtong…

331

Related posts

Leave a Comment