3-ARAW WALANG TUBIG SA PASIG, QC AT MANILA

TATLONG araw na perwisyo ang nakaamba sa mga residente ng tatlong lungsod sa kalakhang Maynila bunsod ng pagkukumpuni ng linya ng tubig sa pangangasiwa ng Manila Water Company Inc.

Sa isang anunsyo, kabilang sa mawawalan ng suplay ng tubig mula Marso 7 hanggang 9 ng taong kasalukuyan ang Quezon City, Maynila at Pasig.

Sa Quezon City, apektado ang Barangay Central, Bagong Silangan at Tandang Sora. Sa Maynila, sapul naman ang Sta. Ana, San Andres at Paco. Sa dakong lungsod ng Pasig, apektado ang mga residente ng Barangay Bagong Ilog at Ugong.

Kasabay ng panawagang pagtitipid ng tubig sa panahon ng tag-init, pinayuhan din ng Manila Water ang mga residente ng mga apektadong lungsod na mag-imbak ng sapat na suplay bilang paghahanda sa kanilang isasagawang maintenance at repair ng mga linya ng tubig. (LILY REYES)

318

Related posts

Leave a Comment