Unang 6 na linggo pa lang yan! P769.7-M SMUGGLED GOODS KUMPISKADO

SA pagpasok pa lang ng unang anim na linggo ng 2022, agad bumulusok ang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga tangkang pagpuslit ng mga iligal na kargamentong nagkakahalaga ng tumata­ginting na P767 milyon, ayon mismo sa Department of Finance (DOF).

Sa datos ng DOF, lumalabas na naging mas aktibo ang kawanihan sa paglulunsad ng 33 search and seizure ope­rations mula unang araw ng  Enero hanggang Pebrero 11.

Kabilang sa mga nasabat ng BOC ang P420-milyong halaga ng mga sasakyan at mga piyesa, P221-milyong halaga ng mga sigarilyo, P46-milyong halaga ng droga, P44.8-milyong halaga ng mga foreign currencies, P30-milyong halaga ng mga medical supplies at personal protective equipment (PPE), P6-milyong halaga ng mga produktong pang-agrikultura at P1.5-milyong halaga ng baril at mga exotic – kundiman endangered species.

Bahagi rin ng ulat ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagsasampa ng karampatang asunto sa husgado laban sa 30 pinaniniwalaang miyembro
ng mga smuggling syndicates, bukod pa sa tatlong kasong administratibong inihain sa Professional Regulation Commission (PRC) laban naman sa ilang customs
brokers.

“The BOC has also completed the inspection and investigation of customs warehouses. From the total of 138 customs bonded warehouses (CBWs) and 245 members of customs common bonded warehouses (CCBWs), 75 were issued with orders of closure as of Feb. 11,” ani Dominguez.

Nito lamang nakaraang buwan, sabay na inilabas nina Dominguez at Guerrero ang kauna-unahang customs administrative na nagtakda ng mas mahigpit na reglamento sa mga customs bonded warehouse sa hanga­ring tiyak­­ing sinusunod ang inilatag na pamantayang batay sa “international best practices” na kalakip ng Customs  Modernization and Tariff Act.
Para sa taong 2021, pumalo sa 103 kaso laban sa mga smugglers ang inihain sa Department of Justice (DOJ).
Sa year-end report ng ahensya, pinakamarami ang kasong may kinalaman sa cigarette smuggling. Sa datos ng BOC, P897.1 milyon ang halaga ng mga nasamsam na smuggled na sigarilyo.

Nasa pangalawang pwesto naman ang agri-smuggling na may tinatayang halagang P293.9 milyon habang pumangatlo naman ang iba’t ibang pini­ratang produktong may halagang P253.2
milyon. Pasok din sa talaan ang mga pekeng gamot at mga sasakyan.

176

Related posts

Leave a Comment