HANDA SA DAGSA NG KARGAMENTO

SA hudyat ng Inter-Agency Task Force for the Manage­ment of Emerging Infectious Diseases, inaasahan ang muling pagdagsa ng mga pasahero at kargamento sa Ninoy Aquino International Airport, bagay na pinaghandaan na ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa nasabing Paliparan.

Pagtitiyak ni BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan, handa ang mga BOC personnel na bahagi ng kanyang tanggapan sa hamong kalakip na inaasahang pagdagsa ng mga turista, overseas Filipino workers, balikbayan at ma­ging ng mga mangangalakal na dumadaan sa kanilang kawanihan.

Katunayan aniya, nag­dagdag na sila ng mga tauhan sa hangaring sumapat ang kanilang hanay sa dami ng haharaping pasahero, bagahe at kargamentong karaniwang idinadaan sa pangunahing Paliparan sa bansa.

Maging ang mga BOC-accredited warehouses, pinaigting na rin ang operasyon sa ilalim ng sistemang angkop sa 24-oras na  operasyon para sa mga air cargoes na lumalapag sa NAIA.

Tampok sa NAIA ang One Stop Shop na naka­tutok sa mga sensitibong kargamento tulad ng bakuna at iba pang medical supplies na kailangan ng pamahalaan sa pagpapa­tuloy ng malawakang turukan kontra COVID-19.

Hindi rin aniya magpapaiwan ang serbisyong dala ng dalawang Customer Care Centers  isa sa punong gusali ng pali­paran at sa Central Mail Exchange Center (CMEC) para naman sa mga postal packages.

Paalala ni Talusan sa mga biyahero, alamin muna ang mga reglamento hinggil sa mga nais ipasok na bagahe at kargamento sa hangaring makaiwas sa  aberya.    (JOEL AMONGO)

 

181

Related posts

Leave a Comment