HINDI tumitigil ang Gamefowl Affiliates of Pitmasters-Philippines (GAPP) sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Mula nang magkaroon ng pandemya, nagiging katuwang na ito ng pamahalaan sa gitna ng krisis.
Dumarami ang mga natutulungan nito.
Tinututukan ng GAPP ang mga lokal na pamahalaan.
Bukod sa mga nabibigyan nito ng oportunidad sa trabaho, hindi rin matatawaran ang ambag nito sa efforts ng gobyerno laban sa COVID-19.
Tuloy-tuloy ito sa pamamahagi ng brand new units ng mga ambulansiya sa Metro Manila.
Pati sa mga ka-GAPP, tumutulong din ito.
Tinatayang mahigit 159 units na ang naipamigay ng grupo.
Kung hindi ako nagkakamali, namahagi rin ang GAPP ng katulad na tulong sa 17 LGUs o local government units sa Kalakhang Maynila.
Matagal nang tumutulong ang grupo.
Hindi lang nila masyadong inaanunsiyo ito.
Nga pala, nilinaw ng Pitmasters Group na hindi masususpinde ang kanilang operasyon.
May kumakalat kasing fake news sa social media na nagbibigay-abiso sa mga master agents na mawawala raw sila dulot ng imbestigasyon ng Senado.
Ngunit wala itong katotohanan.
Kumbaga, talagang ‘alive and kicking’ pa rin sila.
Katunayan, dinumog kamakailan ng mga sabong aficionados ang grand opening ng Pitmasters Live Off-Cockpit Betting Station sa Solaire Resort & Casino.
Kung hindi ako nagkakamali, ang ribbon-cutting ceremony ay pinangunahan ni Mr. Charlie “Atong” Ang, chairman of the Pitmasters Group.
Si Ang din ang head ng Pitmaster Foundation, isang non-stock, non-profit na organisasyon na nagbibigay tulong medikal sa mga pasyenteng nangangailangan.
Tumutugon din sila sa mga relief operations sa mga panahon ng mga sakuna.
Siyempre, ang pangunahing hangarin ng foundation na ito ay makapagbigay ng tulong sa maraming mamamayang Pilipino.
269 