Tumataginting na P9.23 bilyon mula sa P71 bilyong koleksyon ng Bureau of Customs – Port of Limay ang pumasok na sa kaban ng mga Local Government Unit (LGU), batay na rin sa itinadhanang pasya ng Korte Suprema kaugnay ng implementasyon ng Local Government Code.
Ayon kay Port of Limay District Collector William Balayo, 13% ng kanilang ganansya ang nailipat na ng Bureau of Treasury (sa kumpas ng Department of Budget and Management) sa mga LGUs bilang tugon sa Mandanas Ruling na iginiit ng husgado.
“Yes, Bataan and other LGUs can now get their shares of taxes being collected by the BOC as per new ruling of the SC,” ani Balayo na isang CPA-lawyer.
Kabilang naman sa nabahagian ng nasabing kita ng BOC ang mga LGUs sa lalawigan ng Bataan na dating pinamumunuan ni dating Gob. Enrique Garcia
(ama ng kasalukuyang gobernador Abet Garcia), isa sa mga local chief executives na nasa likod ng kasong nagbigay daan sa 13% parte ng mga LGUs sa kita ng BOC at
iba pang mga revenue generating agencies ng pamahalaan.
Kabilang naman ang Port of Limay sa 14 na una nang binigyang pagkilala ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero bunsod ng walang puknat na pagtatala ng labis pa
sa itinakdang buwanang target collection sa ilalim ng pangangasiwa ni Balayo.
Pagtitiyak ng abogado, higit pa nilang paiigtingin ang katapatan at sigasig sa hangaring panatilihin ang masiglang kalakalan sa kanyang pinangangasiwaang pwerto.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Balayo sa kanyang mga tauhan, kasama na ang kanyang kapwa abugadong si Atty. Niño Kjell Servañes, sa aniya’y kontribusyon sa BOC-Port of Limay para mahagip ang buwanang target collection ng kanyang tanggapan.
“I took with me Atty Servañes to help me in our legal fight if ever we encounter legal problems from our collection efforts,” ani Balayo. (JO CALIM)
171 