ALASKA ‘FINAL DANCE’

KASABAY ng 96-80 pagkabigo sa NLEX sa Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum Sabado ng gabi, tuluyang ­nagpaalam ang Alaska bilang bahagi ng PBA sa loob ng 35 taon.

Bilang tribute sa prangkisa, mismong si PBA ­commissioner Willie Marcial ang pumindot sa final buzzer kasunod ang ­pagpapatugtog sa kantang naging tatak ng team sa mahabang panahon: “Wala pa ring tatalo sa Alaska.”

Maikli ngunit madamdamin ang maikling seremonya kasama ang Alaska players, coaches at staff, at ilang fans pa ang naging emosyunal sa “final dance” ng Aces.

Matatandaang noong naka­raang buwan ay marami ang nasorpresa nang ianunsyo ni team owner Wilfred Uytengsu na tuluyan nang lilisanin ng prangkisa ang PBA na naging tahanan nito simula noong 1986.

Sa loob ng mahigit tatlong dekada sa liga, 14 championships ang naiuwi ng Alaska kabilang ang isang grand slam (1996), at naging ikatlong team pa lamang na nakagawa nito sa league history.

Kahit ‘last hurrah’ na, pinilit ng Aces na kunin ang ika-15 titulo, at muntikan nang maisakatuparan ito nang talunin ang may twice-to-beat advantage na Road Warriors noong Miyerkoles, 93-79, tungo sa isang rubber match quarterfinal.

170

Related posts

Leave a Comment